
Kilala si Martin Luther bilang “arkitekto” ng reformation. Noong October 31, 1517, ipinako niya ang kanyang 95 theses sa pintuan ng palasyo sa Wittenberg bilang “protesta” laban sa Papa at sa pagbebenta ng mga indulgences.
Bilang isang monk ng Roman Catholic Church, si Luther ay namuhay sa kahirapan. Kahit gaano katindi siya maglingkod, magfasting at manalangin, pakiramdam niya ay hindi ito sapat para makuha niya ang biyaya ng Diyos. Matindi ang guilt na kanyang nararamdaman, at kahit ilang taon na paglilingkod maging ang pagpunta mismo sa Roma ay hindi makapagtanggal ng kanyang guilt sa kanyang mga kasalanan.
Dumating ang pagkakataon na nahanap niya ang sagot sa Bibliya. Naintindihan ni Luther na ang kaligtasan ay hindi maaaring makuha sa kahit anong pagpupumilit nating bayaran ito, at matatanggap bilang regalo mula sa biyaya ng Diyos, na Siyang nagdedeklarang matuwid ang mga makasalanan, sa pamamagitan ng dugo ni Cristo lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ito ang pagkakataon na dineklara ni Luther na siya ay ipinanganak ng muli.
Sinundan ni Luther ang ginawa ni John Wycliffe, at pinilit na isalin ang bibliya sa German upang ang magandang balita na nagligtas sa kanya ay makarating para sa lahat ng Germans. Si Luther ay namatay sa kanyang bayan ng Eisleben, Germany noong 1546, tatlumpung taon pagkatapos niyang ipako ang kanyang theses na siyang nagsimula ng Protestant Reformation, at hanggang ngayon ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga mananampalataya sa buong mundo.