“Even when you are in the devil’s hands, you are still in God’s care.”

Ang salitang “Huss” ay “gansa” sa wikang Czech kaya kinilala siya bilang isang “goose” na naging “swan.” Nang siya ay sunugin ng mga awtoridad ng Roman Catholic Church dahil sa pagtuturo niya na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi ng gawa, binanggit niya na “maaaring sunugin ang gansang ito, ngunit mula sa abo ay lilitaw ang isang swan na haharap sa Roman Catholic Church”
Si Huss ay ipinanganak na mahirap, ngunit nagpursigeng maging pari upang siya ay kumita. Nabasa niya ang mga sinulat ni Wycliffe at sa pamamagitan noon ay nanampalataya kay Jesus Christ. Nagsimula siyang ipangaral ang ebanghelyo at naging isang tanyag na pari sa Bohemia.
Nagalit ang Romano Katoliko sa kanyang itinuturo at maging sa kanyang popularidad. Noong panahong iyon ay tatlong Papa ang nag-aagawan sa pwesto bilang pinuno ng simbahan. Sila ay nagkaroon ng pagtitipon upang ayusin ang agawan sa pwesto, pero sa halip ay naging paraan ang pagtitipon upang ikondena si John Huss dahil sa pagtuturo ng totoong ebanghelyo.
Bago nila sinunog si Huss, dinamitan siya ng kanyang damit na pang pari, pagkatapos ay hinubaran at nilagyan ng koronang gawa sa papel na may naka-drawing na mga apoy at demonyo. Sinunog siya habang binabanggit niya ang Psalms 51. Isandaang taon pagkalipas ng kanyang kamatayan ay ipinako ni Luther ang kanyang 95 theses sa pintuan ng simbahan sa Wittenberg, na naging opisyal na simula ng Reformation.