top of page

Gaze at the Horizon



Hebrews 11:8-16 8 Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. 9 Dahil din sa kanyang pananampalataya, siya'y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya. Mga tolda ang naging tirahan niya, gayundin sina Isaac at Jacob na tumanggap ng ganoon ding pangako. 10 Sapagkat umasa si Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo. 11 Dahil din sa pananampalataya, si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama, kahit na siya'y matanda na at kahit si Sara ay hindi na maaaring magkaanak pa. Nanalig siyang tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.[a] 12 Kaya't sa isang taong maituturing na halos patay na ay nagmula ang isang lahi na naging sindami ng bituin sa langit at ng di mabilang na buhangin sa dalampasigan. 13 Silang lahat ay namatay na may pananampalataya. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo at itinuring na natanggap na nila. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa.14 Ipinapakilala ng mga taong nagsasalita ng ganoon, na naghahanap pa sila ng sariling bayan. 15 Kung nasa isip nila ay ang lupaing kanilang pinanggalingan, may pagkakataon pa sana silang makabalik doon. 16 Ngunit ang hinahangad nila'y isang lungsod na higit na mabuti, ang lungsod na nasa langit. Kaya naman hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.

Mahirap ang buhay ng isang seaman. Dumarating ang mga sandali ng kalungkutan, homesickness at seasicknesses. Itinalaga na nila ang kanilang buhay sa panganib ng dagat upang makaipon ng sapat na pananalapi para sa pamilya at ganun din naman ay makapag impok para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Makapag tayo ng bahay at maging sa negosyo at mag retire kasama ang mga mahal sa buhay ang laging pangarap at mithiin kasama ang inspiration ng pagtitiis at pagtiyayaga. Kapag dumarating ang seasickness at uneasy ang kanilang pakiramdam, may payo sila sa isa't isa... "just stare or gaze at the horizon". Sailors say this to help regain a sense of perspective. Pag nakita nila sa malayo ang destiny na kanilang tinatakbo, kasama dito ang destiny ng pangarap, ng fulfillment ng pagtitiis, ang reward ng paghihirap then they regain strength and hope.


Ang mga taong binanggit na heroes of faith sa book of Hebrews ay dumanas ng extreme trials sa buhay. Namatay nga silang hindi nakamtan ang pangako ng Diyos dito sa lupa and many of them were persecuted and driven away from their homes. Pero it was their faith that led them to look for a better life, buhay na ipinangako ng Diyos. Tulad ng mga heroes of faith, hindi rin madali ang ating pinagdaraaanan sa buhay. Nakaharap pa rin tayo sa mga pagsubok at paghihirap ng buhay. Nagdaramhati pa rin tayo dahil sa mga kakulangan ng ating mga pangangailangan. Ganun pa man, everytime na nakakaramdam tayo ng panghihina , gamitin natin ang salita ng mga sailors... JUST GAZE AT THE HORIZON -- dagdagan natin ng OF GOD's PROMISES. Kapag nanghihina ka na at halos mawalan ng lakas ng loob dahil sa mga pagsubok sa buhay, sabihin mo sa sarili mo "JUST GAZE AT THE HORIZON OF GOD's PROMISES":


1. Tularan natin sila at buong tiyaga tayong maghintay na maitatag ang lunsod na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos.

This will be our final destiny. Darating ang sandali na makakasama natin ang Diyos sa lugar na inihanda niya para sa atin.


2. Tularan natin sila at kilalanin nating dayuhan lamang tayo at nakikipamayan sa daigdig na ito.

Dahil dayuhan lang tayo sa mundong ito, ang paka nasain natin ay ang mga bagay na hahantong sa langit, hindi ang mga bagay ng sanlibutang ito.


Colossians 3:1-4 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian.

Dahil dayuhan lang tayo sa mundong ito, tanggapin natin ang katotohanan na kasama sa buhay natin dito ang paghihirap . Ganun paman , malaking tulong sa atin at sa ating pananampalataya na tignan natin ang pangako ng Diyos sa panahon ng pagdurusa.


Romans 8:18-25 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw. 19Sapagkat nanabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. 20Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa 21na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. 22Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak. 23At hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating mga katawan. 24Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? 25Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
28 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page