
There have been several misconceptions when it comes to our beliefs regarding the doctrines of grace or what we call TULIP in our church distinctives. To make things clearer I will explain some of the labels we use and address one of the most common misconceptions.
Ang isa sa mga madalas na tawag sa mga naniniwala sa Tulip ay bilang mga Calvinists at ang madalas na tawag sa mga hindi naniniwala dito ay mga Arminians. Ito ay dahil si Calvin at Arminius ang nagturo ng magkasalungat na paniniwala pagdating sa pagliligtas ng Diyos sa tao ayon sa bibliya. Ang mga labels na ito ay tawag lamang. Ang magkabilang panig ay parehong naninindigan na ang kanilang paniniwala ay naayon sa bibliya. Ang mahalaga para sa atin sa ngayon ay tignan kung alin sa dalawa ang mas may matibay na pundasyon sa Salita ng Diyos.
Personally, I no longer use the word "Calvinists" and "Arminians". What I like better is to use the words "Reformed" and "non-reformed". Ito ay dahil ang TULIP o ang pagiging Calvinist ay isa lamang sa mga aspekto ng pagiging "Reformed". Sa kabilang banda, ang mga hindi naniniwala sa TULIP (ang mga Arminians) ay hindi maaaring tawaging "Reformed".
Now let us look at one of the most common misconceptions about this. Ito ay ang mga tao na nagsasabing "Hindi ako calvinist at hindi rin ako Arminian". Iba't iba ang dahilan na binibigay nila. Ang sabi ng iba kaya hindi sila Calvinist o Arminian ay dahil "gawa lang ng tao yan, sa bible lang ako". Meron namang nagsasabi na parehong mali ang mga calvinists at arminians. At meron naman nagsasabi na wala silang pinapanigan at sila ay gumigitna lang.
Kung totoong naiintindihan natin ang tinuturo ng mga doktrinang ito ay hindi natin maaaring masabi ang alin man sa mga pagkakamaling ito.
Isang paraan para makita mo kung saan ka sa dalawang ito ay ang pagsagot sa ilang katanungan. Halimbawa, naniniwala ka ba sa sinasabi ng Romans 3:11-12? “Walang matuwid, wala, kahit isa. Wala ni isang nakauunawa, walang humahanap sa Diyos. Lahat sila ay lumihis ng daan, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa.”
Ito ay nagpapahiwatig ng doktrina ng Total Depravity, na nagsasabing walang matuwid at lahat ay umaayaw sa Diyos, maliban na lamang kung ang Diyos mismo ang tatawag sa kanila.
O kaya ay naniniwala ka ba sa Ephesians 1:4-5 na nagsasabing:
Bago pa itinatag ang sanlibutan, pinili na niya tayo kay Cristo upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa kanyang harapan. Dahil sa pag-ibig, itinakda niya noong una pa man ang pagkupkop sa atin bilang kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa mabuting hangarin ng kanyang kalooban.
Ang verses na ito ay sinasabing pinili na tayo (ang mga ililigtas) ng Diyos bago pa man itatag ang sanlibutan, hindi dahil sa kung anu man kundi dahil sa kanyang pag-ibig.
O naniniwala ka ba sa sinasabi ni Kristo sa Juan 10:27-29?
Nakikinig sa tinig ko ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at kailanma’y hindi sila mamamatay. Walang makaaagaw sa kanila mula sa aking kamay. Ang aking Ama ay higit na dakila; siya ang nagbigay sa akin ng lahat at walang makaaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama.
Isa lamang ito sa mga verses na nagpapahiwatig na walang mawawala sa mga tupa na kanyang iniligtas.
Tatlo lang ito sa napakaraming verses sa bibliya na maaari nating tignan. Ganunpaman ay gawin nating simple. Tanungin mo ngayon ang sarili mo. KUNG HINDI KA NANINIWALA KAHIT SA ISA SA TATLONG VERSES NA ITO, ikaw ay hindi Calvinist/Reformed at maaring tawagin na isang Arminian. Hindi mo rin pwedeng sabihin na wala kang pinaninindigan dito. Ang pagpipilian lang ay kung paniniwalaan mo ang mga sinasabi nito o hindi. You either believe these verses or you don't. Wala kang pwedeng pagitnaan. Hindi mo rin pwede sabihin na parehong mali ang paniwalaan at hindi paniwalaan ang mga verses na ito. Believing and not believing these verses cannot be both wrong. Saying that simply does not make sense.
At lalong hindi pwedeng sabihin na sa bibliya lang tayo, sapagkat saan ba galing ang verses na pinaguusapan? Sa totoo lang, hindi natin maiisip ang mga doktrinang ito at hindi natin paniniwalaan kung hindi ito ihinayag ng bibliya. Ngunit wala tayong magagawa sapagkat ang bibliya mismo ang naghahayag ng mga ito, at bilang mga tagasunod ng Salita ng Diyos ay kailangan nating maniwala.
This is a first and simple attempt para mabigyan ng kalinawan ang isang misconception o pagkakalito sa ating mga paniniwala. Kung mayroon po kayong katanungan at nais nyo pong pag-usapan, please send me a pm. God bless you all!